Tuluyan ng nabawi ng Syrian government ang lungsod ng Aleppo.
Ito’y makaraang magpasya ang mga rebelde na umatras sa gitna ng ceasefire upang magbigay daan sa paglikas ng libu-libong sibiliyang naiipit sa limang taong civil war.
Kinumpirma ni Russian Ambassador to United Nations Vitaly Churkin ang ceasefire matapos magpahayag ng pangamba ang UN na pinagbabaril ng Syrian soldiers at allied Iraqi fighters ang mahigit 80 katao na binihag sa East Aleppo.
Ang pagsuko o pag-atras anya ng mga rebelde sa Aleppo ang hudyat ng pagtatapos ng rebelyon sa pinakamalaking lungsod sa Syria.
Tagumpay din ito para kay President Bashar Al-Assad at military coalition ng army katuwang ang Russian Air Force at Iran.
Gayunman, pagkatalo naman itong maituturing para sa Amerika, Turkey, Israel at gulf countries sa pangunguna ng Saudi Arabia na sumusuporta sa mga rebelde.
By Drew Nacino
Photo Credit: Reuters