Irerekomenda ng Metro Manila mayors sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases na isailalim sa Alert level 0 ang rehiyon.
Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority General Manager Frisco San Juan Jr., nagpahayag ng kahandaan ang mga alkalde sa paglipat sa Alert level 0.
Aniya, bandang ala-5 ng hapon ngayong araw malalaman ang desisyon hinggil sa bagong alert level.
Sinabi naman ni San Juan na anuman ang magiging pasya ng IATF ay tatalima ang mga alkalde dito.