Kumbinsido si health reform advocate at dating National Task Force Against COVID-19 Special Adviser, Dr. Anthony “Tony” Leachon na pinakamainam na panatilihin sa alert level 1 sa halip na ibaba sa level 0 ang bansa hanggang sa araw ng eleksyon.
Ayon kay Leachon, hindi pa tapos ang pandemya at kung ibababa ang alert level 0 ay otomatikong darami ang mga lalabas na tao na maaaring mauwi sa hawaan lalo’t magsisimula na sa March 25 ang kampanya para sa local positions.
Ibinabala rin ng health expert na maaaring umabot sa Pilipinas ang COVID-19 variant surge sa South Korea, Hong Kong at Japan.
Hindi anya dapat masayang ang mga pinaghirapan ng gobyerno, lalo ng mga health care worker sa nakalipas na dalawang taon.