Itinaas na ang alert level one sa bulkang Kanlaon matapos itong magbuga ng abo kahapon.
Ang alert level one ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ay nangangahulugang mayroong abnormal na kondisyon at pagliligalig ang bulkan.
Matatandaang kahapon ay umabot sa isa hanggang isa at kalahating kilometrong taas ang abong ibinuga ng bulkang Kanlaon habang narinig naman ang pagdagundong nito sa mga kalapit na barangay ng Mananawin at Sitio Upper Pantao sa Negros Oriental.
By Ralph Obina