Nilinaw ng isang infectious disease expert at miyembro ng vaccine expert panel na “masyado pang maaga” kung ibababa sa level 1 ang Covid-19 alert status sa Metro Manila.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, head ng adult infectious diseases and tropical medicine unit ng San Lazaro Hospital, dapat I-monitor kung bababa ang kaso sa loob ng dalawa pang linggo.
Sa ngayon anya ay dapat munang manatili sa Alert level 2 ang National Capital Region lalo’t mataas pa rin ang mga kasong naitatala maging ang hawaan.
Magugunitang isinailalim ang NCR sa Alert level 2 mula Pebrero a–1 hanggang a–15.