Nakataas pa rin ang alert level one sa Taal Volcano ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).
Ayon sa ahensya, hindi naman nila inaasahan na magkakaroon ng mapanganib na pagsabog ngunit kailangan pa ring maging maingat lalo na ang mga nakatira sa paligid ng bulkan.
Dagdag pa nito, off limits pa rin ang bulkan lalo na ang main crater nito dahil sa posibilidad ng biglaang steam explosions.
Sa ngayon ay hindi pa rin nililimitahan ang pagpunta ng mga turista sa bulkan ngunit hindi pa rin pinahihintulutan ang pag akyat sa crater.