Nakataas pa rin ang Alert Level 1 sa Bulkang Taal sa Batangas habang patuloy ang pagyanig na naitatala nito.
Ayon sa 8 a.m. bulletin na inilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nakapagtala na ng 19 volcanic earthquakes ang Bulkang Taal sa nakalipas lamang na 24-oras.
Bagaman hindi ito nagbabadyang maglalabas ng mapanganib na pagbuga o pagsabog, nagbabala pa rin ang PHIVOLCS na ‘strictly off-limits’ pa rin ang bunganga ng naturang bulkan dahil sa posibleng pagbuga nito ng singaw na nagtataglay ng toxic gases.
Muli ring nagpaalala ang PHIVOLCS sa publiko na hindi inirerekomenda ang permanenteng paninirahan sa isla ng Taal volcano dahil isa itong ‘permanent danger zone’.
Samantala, nakapagtala naman na ng 100 na pagyanig ang Taal sa nakalipas lamang na dalawang araw.