Nakataas ngayon ang alert level 1 sa Bulkang Kanlaon na nasa isla ng Negros.
Ito’y makaraang makapagtala ng apat na pagyanig ang bulkan sa nakalipas na magdamag.
Ayon sa Phivolcs, maliban sa mga pagyanig, nagbuga rin ng usok ang nasabing bulkan na umabot sa 400 metro.
Dahil dito, mahigpit na pinaalalahanan ng Phivolcs ang mga negrense na huwag lumapit sa 4 kilometer radius permanent danger zone.
Patuloy na binabantayan ng Phivolcs ang nasabing bulkan dahil sa posibilidad na posibleng paglala ng aktibidad nito.