Inirerekomenda ng Metro Manila Mayors sa IATF ang pagpababa ng COVID-19 alert status kung magtutuluy-tuloy ang pagsadsad ng mga kaso sa mga susunod na araw.
Kinumpirma ni MMDA Officer-In-Charge at General Manager Romando Artes ang rekomendasyon ng mga alkalde kapag naabot na ng National Capital Region ang angkop na datos para sa alert level 1.
Sa ilalim ng alert level 1, papayagan na ang ‘intrazonal at interzonal travel’ kahit anong edad at may comorbidities.
Papayagan na ring mag-operate ang lahat ng mga establisyimento at isagawa ang “full on-site seating capacity” alinsunod sa ‘minimum public health standards’.
Kasalukuyang nasa alert level 2 ang NCR mula Pebrero a-1 at magtatapos sa Pebrero a-15. —sa panulat ni Mara Valle