Posibleng makamit ng Pilipinas ang Alert level 1 sa susunod na taon.
Ito ay ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, III, umaasa ang mga economic managers na maaari nang ibaba sa Alert level 1 ang bansa kung magpapatuloy ang pagbaba ng kaso sa bansa.
Sinabi ni Dominguez, sa ilalim kasi ng nasabing alert level ay maaari nang makapag-operate ang lahat ng negosyo sa full-site capacity.
Aniya, dapat paghandaan ng mga negosyante ang bagong mga panuntunan sa ilalim ng bagong ekonomiya gamit ang makabagong teknolohiya.
Dagdag pa ni Dominguez, kahit wala pang pandemya, isinusulong na nito ang digital transition ng mga negosyo ng public and private sectors.
Paliwanag pa ni Dominguez, malaking tulong aniya ito para mas mapaunlad lalo ang ekonomiya ng bansa.