Posibleng luwagan pa ang umiiral na restrictions sa Metro Manila kung patuloy na bababa ang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, III, kung bababa pa sa 1,000 o 500 kaso ang maitatala kada araw ay maaaring isailalim na lamang sa Alert level 1 ang NCR.
Tiyak naman anyang nais ng lahat na luwagan pa ang umiiral na restrictions upang marami pang makapagbukas na negosyo at magkakaroon muli ng hanap-buhay ang mga nawalan ng trabaho.
Matatandang ibinaba ang restrictions sa Alert level 2 sa Metro Manila simula November 5 hanggang November 21. —sa ulat ni Jenny Valencia Burgos (Patrol 29), sa panulat ni Drew Nacino