Posibleng ibaba na sa level 1 ang COVID-19 alert status sa Metro Manila sa unang linggo ng Marso depende sa antas ng pagsunod ng mga mamamayan at mga estblisyimento sa Safety Seal Certification program ng gobyerno.
Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque, III makaraang maitala kahapon ang pinaka-mababang COVID-19 cases ngayong taon.
Ayon kay Duque, i-assess ang safety seal program bukas at aalamin kung paano tumatalima rito ang mga establisyimento, public at private sector.
Layunin anya nitong matiyak na mayroong napakababa o walang peligrong kahaharapinang mga papasok sa mga establisyimento.
Dagdag pa ng kalihim, ituturing na new normal scenario ang alert level 1 hanggang sa alisin ang state of public health emergency sa bansa.
Gayunman, dapat pa ring ipagpatuloy ng publiko ang pagsunod sa minimum public health protocols.