Suportado ni Outgoing Taguig Mayor Lino Cayetano ang desisyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na panatilihin sa Alert Level 1 ang National Capital Region (NCR).
Ito ay sa kabila ng unti-unting pagtaas sa naitatalang kaso ng COVID-19 sa bansa.
Ayon kay Cayetano, hindi na dapat taasan pa ang umiiral na restriksyon dahil sa panahon ngayon ay dapat marunong na ang publiko sa pagprotekta sa kanilang sarili, mga kaanak at komunidad.
Dagdag pa ni Cayetano, maraming residente sa kanilang lungsod ang nawalan ng trabaho noong nagpatupad ng lockdown.
Dahil dito, nakatuon na raw ang Taguig City LGU sa pagtitiyak na mayroong trabaho at hanapbuhay ang kanilang mga residente.