Welcome sa Philippine College of Physician (PCP) ang naging desisyon ng pamahalaan na panatilihin sa alert level 1 ang National Capital Region (NCR) at 77 pang lugar sa bansa.
Ayon kay Dr. Maricar Limpin, Pangulo ng PCP, pabor ang mga healthcare worker sa kasalukuyang alert level status kahit na karamihan sa mga Pilipino ngayon tila itinuturing na tapos na ang pandemya.
Umaasa si Limpin na kahit ilagay na sa pinakamababang alert level o alert level zero ay patuloy pa rin na magsusuot ng face masks ang publiko.
Dapat rin aniyang tiyakin ng mga kumpanya na may maayos na ventilation sa mga workplace bago i-require ang mga empleyado na magbalik on-site.
Ipinayo rin nito na huwag sabay-sabay na kumain, o lumayo sa isa’t isa kapag kakain sa iisang lugar.