Nakikita ni National Task Force (NTF) special adviser Dr. Ted Herbosa na maaaring ibaba mula sa alert level 3 patungong alert level 2 ang Metro Manila kung patuloy na bumababa ang mga kaso.
Ayon kay Herbosa, na mayroon pa ring humigit-kumulang na 33,000 kaso ang naitatala gayunpaman mabilis naman bumababa ang bilang ng mga kaso sa bansa.
Samantala sinabi rin ng special adviser, na ang mga lugar na may pinakamaraming bilang ng kaso na nagpositibo sa COVID-19 ay nasa labas ng Metro Manila.
Idinagdag pa ni Herbosa, na umaasa siyang magiging maganda ang mga datos at patuloy na bumaba ang mga admission at kaso ng COVID-19. —sa panulat ni Kim Gomez