Itinaas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS ang Alert Level 3 sa Bulkang Taal makaraang magbuga ng maitim at makapal na abo ang bunganga nito dakong 3:30pm kanina.
Sa ipinatawag na press briefing, sinabi ni PHIVOLCS officer-in-charge at Department of Science and Technology o DOST Usec. Renato Solidum, magmatic unrest ang ipinakita ng Bulkang Taal na tumagal ng limang minuto.
Kaugnay nito, inirekomenda ng PHIVOLCS ang agarang paglilikas sa mga barangay na sakop ng Agoncillo at Laurel na malapit sa Volcano Island.
Ipinaalala pa ni Solidum ang pananatili ng Volcano Island bilang permanent danger zone kaya’t mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok dito.
“Walang critikal hours, 24 hours by 7 ang monitoring ng PHILVOCS at binabantayan ang yung iba’t-ibang parametro kung ito ay magpapakita ng pagtindi ang alert level 3 gusto ko rin malinawan na kung tuloy tuloy ang aktibidad ng bulkan pwedeng magtaas sa alert level 4 pero kung hindi at humupa pwede ring ibaba yan sa alert level 2 basta lang maintindihan na at this stage pwede naman mag-increase pa yan o bumaba.” Pahayag ni Usec. Renato Solidum