Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa Bulkang Taal.
Ito ay bunsod ng patuloy pa ring paglalabas nito ng mainit na singaw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naglabas ng katamtamang dami ng puti hanggang sa dirty white na kulay ng steam o singaw ang Bulkang Taal sa nakalipas na 24-oras.
Umaabot anila sa 300-metro ang inilabas nitong steam-laden plumes.
Na-obserbahan din ng PHIVOLCS ang pag-angat ng mahinang singaw mula sa mga fissure vents sa Daang Kastila trail ng Taal Volcano Island na umaabot sa 10-meters hanggang 200-meters ang taas.
Naitala naman sa 116 tons kada araw ang inilabas na sulfur dioxide ng bulkan.
Habang umabot sa 115 ang naitalang volcanic earthquakes ng Taal Volcano network kabilang ang dalawang low frequency events at limang makakasunod na pagyanig na tumagal ng halos apat na minuto.
Sinabi ng PHIVOLCS, ang mga nabanggit na aktibidad ay nangangahulugang gumagalaw ang magma sa ilalim ng Bulkang Taal na posibleng mauwi sa pagsabog nito.