Dapat nang ikonsidera ng gobyerno na ibaba sa alert level 3 o 2 ang status sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases.
Ayon kay Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion, sapat ng batayan ang downward trend sa COVID-19 cases upang ibaba ang alert level status sa National Capital Region.
Sa kanyang opinyon, maaari na ring ibaba sa 50% ang capacity at muling buksan ang iba pang business establishment tulad ng mga sinehan at wellness center.
Naniniwala si Concepcion na kung luluwagan ang restrictions ay mas maraming negosyong makababangon ngayong 4th quarter ng taon.
Samantala, nakatakdang magtapos ang implementasyon ng alert level 4 sa NCR sa Biyernes, Oktubre 15. —sa panulat ni Drew Nacino