Epektibo na ngayong araw ang istriktong implementasyon ng Alert Level 3 sa Metro Manila.
Ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tumaas ng mahigit 700% ngayong linggo ang average daily cases sa bansa kumpara sa nakaraang linggo.
Matatandaang ibinalik ng Inter-Agency Task Force (IATF) sa Alert Level 3 ang sitwasyon sa National Capital Region (NCR) dahil sa epekto ng muling pagsirit ng kaso ng COVID-19 dulot ng mga nagdaang holiday activities.
Asahan naman ngayong araw na magiging mas mahigpit ang health and safety protocols o guidelines na ipatutupad ng IATF upang mapigilan ang pagkalat ng nakakahawang sakit. —sa panulat ni Angelica Doctolero