Muling pinalawig ng gobyerno ang alert level 3 sa National Capital Region at iba pang lugar simula November 1 hanggang 14.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dina-dahan-dahan lamang nila ang pagbaba ng alert level system upang maiwasan ang pagtaas muli ng Covid-19 cases.
Sa ilalim ng alert level 3, papayagang magbukas ang mga business establishment kabilang ang mga restaurant, gym at sinehan sa 30% indoor capacity habang 50% ang outdoor capacity para sa mga nakakumpleto naman ng bakuna.
Pinayagan din ang Department of Transportation na itaas sa 70% ang passenger capacity ng mga public utility vehicle. —sa panulat ni Drew Nacino