Malaki ang posibilidad na ipatupad ang mas maluwag na alert level 3 sa National Capital Region dahil sa patuloy na pagbaba ng COVID-19 cases sa bansa.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ang ulat na bumaba na sa .6% ang reproduction rate at 13% positivity rate ng virus sa NCR.
May batayan naman anya upang ibaba ang alert level 3 sa Metro Manila upang payagan ang mas maraming negosyo at aktibidad na magbalik operasyon.
Kasalukuyang, nasa ilalim ng alert level 4 ang NCR hanggang Oktubre 15.
Gayunman, aminado si Roque na naka-depende pa rin ang desisyon sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases. —sa panulat ni Drew Nacino