Itinaas na ng PHIVOLCS sa level 4 ang alert status ng Bulkang Mayon makaraang makapagtala ito ng ‘hazardous eruption’ kaninang ala – 1:00 ng hapon.
Sinabi ni PHIVOLCS Director Renato Solidum na senyales ng pagbabago ng bulkan ang naobserbahang mataas na kulot-kulot na abo o ash column na tinatayang umabot ng tatlong kilometro.
Nakikita rin aniya ang papataas na energy ng volcanic tremors sa bulkan at pinangangambahan ang pagputok nito sa anumang araw.
Kasabay nito, sinuspinde na ni Albay Governor Al Francis Bichara ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan.