Posibleng itaas pa sa Alert level 4 ang Quarantine status sa Metro Manila dahil sa patuloy na pagsirit ng mga kaso ng COVID-19.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque, ikinukonsidera na ng Inter-Agency Task Force ang Alert Level 4 dahil na rin sa pagtaas ng healthcare utilization rate na malapit nang maabot ang ‘moderate risk’.
Nasa 47% hanggang 48% na anya ang utilization rate ng mga Intensive Care Unit sa National Capital Region.
Nais ng pamahalaan na maiwasan ang sitwasyon at bagaman may sapat pang bed spaces sa mga ospital, kulang na ang healthcare workers dahil na rin sa dami ng nagkakasakit sa kanilang hanay.
Kasalukuyang nasa ilalim ang NCR at ilan pang karatig lalawigan sa Alert Level 3 na magtatapos sa sabado, January 15.
Sa ilalim ng Alert level 4, pinapayagan ang operasyon ng mga establisimyento na 10% indoor capacity lamang para sa mga fully vaccinated habang 30% sa outdoor capacity.