Pinalawig ang pilot implementation ng alert level 4 sa Metro Manila, simula ngayong araw hanggang Oktubre 15.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, bagaman epektibo ang bagong alert level system dahil sa unti-unting pagbaba ng COVID-19 cases,hindi dapat mawala ang momentum ng gobyerno sa kampanya kontra COVID.
Aprubado na rin ng IATF ang re-opening ng fitness studios at gyms sa limitadong 20% capacity para sa mga fully vaccinated individual, basta bakunado ang lahat ng gym workers.
Gayunman, kailangang naka-facemask sa lahat ng oras at ipinagbabawal ang group activities sa mga gym.
Pinayagan ding magdagdag ng 10% capacity ang mga establisyimentong may safety seal certification. —sa panulat ni Drew Nacino