Pinag-aaralan ng PHIVOLCS o Philippine Institute of Volcanology and Seismology na ibaba na sa normal level ang kalagayan ng bulkang Mayon sa Albay.
Ayon kay PHIVOLCS Resident Volcanologist Ed Laguerta, isinasapinal na nila ang resulta ng isinagawang drone aerial survey sa bulkang Mayon para malaman kung maaari na itong ibaba sa normal na lebel.
Ipinabatid ni Laguerta na sa ngayon ay wala silang naitalang volcanic earthquakes, habang may ilang pagkakataon na bumubuga pa rin ito ng abo ngunit mahihina at minimal na lamang.
Namamaga pa rin aniya ang paligid nito na una nang nabatid na dahil sa lumang volcanic materials na naipon ng mga nakalipas na pag-aalburuto nito.
By Meann Tanbio