Ibinaba na sa alert level 2 mula sa level 3 ang status ng Taal Volcano sa Batangas.
Ito ang inanunsyo ni dost undersecretary at phivolcs director renato solidum matapos mabawasan ang aktibidad ng bulkan sa nakalipas na mga araw.
Gayunman, nilinaw ni solidum na hindi ito na-nga-nga-hulugan ng pananahimik.
Hindi rin anya dapat magpaka-kampante ang mga residente sa paligid ng Taal lake dahil posible pa ring mag-alburoto ang bulkan. —sa panulat ni Drew Nacino