Hindi pa maaaring ibaba ang alert level sa bulkang Mayon, sa Albay.
Ito, ayon kay Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS Director Renato Solidum, ay kahit walang naitalang malakas na eruption o anumang malaking aktibidad ng Mayon sa nakalipas na mga araw.
Bagaman bumagal aniya ang serye ng pagsabog ay naman nagpapatuloy ang eruption ng bulkan.
Nakapaglabas na rin ang bulkan ng nasa 77 million cubic meters ng volcanic materials o malapit na sa tinatayang volume sa magma chamber.
Ipinaliwanag ni Solidum na sakaling mangyari ito ay makukumpleto na ng Mayon ang eruption nito.
Samantala, nakapagtala na ng pitmpu’t anim (76) na volcanic earthquakes sa paligid ng Mayon, simula nang mag-alburoto ito noong Enero.
—-