Panahon na upang ibaba ang Alert level sa mga lugar na may mababang kaso ng COVID-19.
Ito, ayon kay Infectious Disease Expert Dr. Rontgene Solante, kasunod ng trend ng virus, lalo na ang arawang mga kaso.
Gayunman, kahit aniya ibaba sa Alert Level 1, ay dapat pa ring sundin ang minimum public health standards, tulad ng pagsusuot ng face masks at physical distancing.
Dapat rin aniyang maging maingat, lalo na ang mga may sintomas ng sakit.
Sa ngayon ay nakapailalim sa Alert Level 3 ang Davao De Oro, Davao Occidental, Guimaras, Iloilo City, Iloilo Province, South Cotabato, at Zamboanga City.
Habang nasa Alert Level 2 naman ang metro manila at nalalabing bahagi ng bansa hanggang sa katapusan ng buwan.