Ibinaba na sa normal ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang alert level sa Mt. Kanlaon sa Negros Provinces
Ito ay matapos na bumaba na rin ang bilang ng naitatalang volcanic earthquakes ng seismic montoring network sa bulkan simula noong Hunyo.
Ayon sa Negros Occidental Provincial Disaster Management Program Division, nasa dalawa (2) na lamang kada araw ang naitalang volcanic activity sa Mt. Kanlaon.
Wala na rin silang inaasahang magmatic eruption mula rito.
Gayunman, pinaalalahan pa rin ng PHIVOLCS ang mga taga-Negros na iwasan pa ring pumasok sa 4 kilometer radius permanent zone dahil sa posibilidad ng pagkahulog ng mga bato o biglaang pag-usok ng bulkan.