Ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang alerto sa bulkang Mayon na ngayo’y alert level zero na o normal mula sa pagiging alert level 1 o abnormal.
Ito ayon kay PHIVOLCS Director Renato Solidum ay dahil bumaba na ang halos lahat ng monitoring parameters ng bulkang Mayon.
Kabilang dito ang pagbaba ng volcanic earthquake activity o mga pagyanig mula sa bulkan na aabot sa baseline levels bawat araw sa nakalipas na anim na buwan.
Bukod pa ito sa naitalang unremarkable o malaking pagbabago sa nakalipas na taon sa ground deformation sa pamamagitan ng precise leveling surveys.
Sa gas emission naman, namataan ang patuloy na passive degassing mula sa naipong magma sa bunganga ng bulkan dahilan kayat bumaba rin ang sulfur dioxide emission base na rin sa patuloy na gas spectrometry.
By Judith Larino