Malalaman sa araw ng Sabado o Linggo ang magiging COVID-19 Alert level sa National Capital Region simula sa Marso.
Ayon kay MMDA officer-in-charge at general manager Romando Artes, si presidential spokesperson Karlo Nograles ang mag-aanunsyo ng bagong Alert level.
Tiwala si Artes na handa na ang rehiyon na mailagay sa mababang alert level.
Gayunman, sinabi ni Artes na may restriksyon pa rin at ipatutupad ang minimum public health standards.