Inalis na ng PHIVOLCS ang Alert level 1 sa Bulusan Volcano sa Sorsogon.
Sa bulletin kahapon ng PHIVOLCS, wala ng mga naitalang volcanic earthquakes sa Bulusan simula pa noong ikatlong linggo ng Hulyo.
Indikasyon ito na nabawasan na ang hydrothermal activity ng bulkan.
Nabawasan din ang sulfur dioxide emission sa 230 tons per day noong July 25 hanggang August 5 kumpara sa 1, 900 tons per day noong June 5 hanggang 12.
Gayunman, ipinagbabawal pa rin ang pagpasok sa 4 kilometer permanent danger zone.
Magugunitang nakapagtala ng phreatic eruptions sa Bulusan Volcano noong June 5 at June 12 dahilan upang matabunan ng abo ang ilang barangay.