Ibinalik sa alert level 3 mula sa alert level 2 ang status sa Metro Manila mula January 3 hanggang January 15, 2022.
Ayon kay Acting Presidential Spokesperson and Cabinet Secretary Karlo Nograles, napagdesisyonan ng mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na magpatupad ng mas mahigpit na restrisksiyon matapos makitaan ng spike ng COVID-19 ang bansa.
Sinabi pa ni Nograles na isa sa mga dahilan kung bakit tumaas ang kaso ng COVID-19 ay ang holiday activities kung saan, tumaas ang movement ng mga tao at bumaba naman ang compliance sa minimum public health standards.
Bukod pa dito, isa rin sa dahilan ng pagtaas ng kaso ng COVID-19 ay ang detection ng local cases ng Omicron variant.