Hindi pa dapat tanggalin ang alert level system sa Covid-19 risk classification sa Pilipinas.
Ito ay ayon kay Valenzuela City Mayor Rex Gatchalian, kailangan gawin ito pa unti-unti para masiguro pa rin ang kaligtasan ng bawat isa.
Dagdag pa ni Gatchalian, dapat din hindi makampante ang publiko dahil posible pa rin sumipa ang bilang ng kaso sa bansa.
Matatandaang, ipinabatid ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion na hihilingin umano nito sa iatf ang pagluwag sa mga qurantine restrictions kapag humupa na ang Omicron variant.
Bukod dito, pwede na rin aniya ibaba sa alert level 1 ang Metro Manila sa katapusan ng Marso.
Ngunit hindi naman ito sinang ayunan ni Gatchalian dahil may banta pa rin ng Covid-19 at iba pang variant sa bansa.