Aprubado na ng Inter-Agency Task Force ang pagluluwag ng restrictions sa lalawigan ng Apayao sa alert level 2 simula ngayong araw hanggang December 15.
Ipinaliwanag ni Acting Presidential Spokesman Karlo Nograles na ang pagbaba sa alert level 2 mula sa level 3 ay base sa mga pagbabago sa metrics ng pagtukoy sa alert level classification ng mga lugar.
Kabilang sa inalis ang one-week growth rate na basehan para sa paglipat sa alert level 1 patungo sa level 2; escalation mula alert level 1 patungo sa level 2 kung ang total COVID-19 bed utilization ay tataas patungong moderate o high risk;
Ang escalation mula alert level 2 patungong level 3 kung ang case classification at total COVID-19 bed utilization ay kapwa nasa moderate risk o kung ang case classification ay nasa high hanggang critical risk. —sa panulat ni Drew Nacino