Ibinaba na ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang alerto sa bulkang Mayon.
Sinabi ni PHIVOLCS Bicol Resident Volcanologist Ed Laguerta na bumaba na ang over all activity ng bulkan base na rin sa kanilang mga batayan kaya’t nasa alert level 1 na lamang ang naturang bulkan.
Kabilang dito aniya ang pagbaba ng geochemical activity o ang ash o sulfur dioxide emission, geophysical, volcanic quakes, crater glow at mga aktibidad sa tuktok ng bulkang Mayon.
Gayunman, tiniyak ni Laguerta na mahigpit nilang mino-monitor ang sitwasyon ng bulkang Mayon at nakahanda naman sa anumang mga pagbabago na maaaring mangyari sa kabila ng matagal na nitong pananahimik.
By Judith Larino