Matapos ang tagumpay na natamasa ni Alessandra de Rossi sa pelikilang “Kita Kita” kasama si Empoy Marquez ngayon ay pagiging screenplay writer naman ang kaniyang bagong kina-career.
Sa bagong pelikulang pagbibidahan ni Alex ay proud siyang ikinuwento sa isa din siyang tumatayong screenplay writer nito.
Aminado naman ang aktres na sa una ay nahirapan siya dahil wala umano siyang formal training sa pagususulat pero dahil sa mga kaibigan na sumuporta sa kaniya ay naging posible ito kaya laking pasasalamat niya sa pagtitiwala ng mga ito sakaniya.
Mapapanuod ang pelikulang “12” kasama ang Viva artist na si Ivan Padilla sa November 8 sa direksyon ni Dondon Santos.