Hindi makakasabak sa laro sa loob ng anim hanggang walong linggo ang guard ng Chicago Bulls na si Alex Caruso.
Ayon sa management ng Bulls, ooperahan ang si Caruso dahil sa wrist injury nang mag-foul ito ni Grayson Allen ng Milwaukee Bucks kamakailan.
Napatawan ng level two flagrant foul si Allen at na-eject matapos ang nasabing laro.
Noong una ay simpleng foul lang ang ipinataw kay Allen pero itinaas ito sa flagrant matapos ma-review ng mga opisyal ang video kung saan napatunayan na sinadya nito ang pagsagi kay Caruso.