Tapos na ang kampanya ng 15-anyos na si Alex Eala ng Pilipinas sa 2020 French Open.
Ito’y makaraang mabigo ang Filipina tennis player sa kanyang laban kay Elsa Jacquemot ng France 6-3, 6-2 sa girls singles semifinals.
Makakaharap naman ni Jacquemot si Alina Charaeva matapos gibain si Polina Kudermetova sa hiwalay na semifinal duel.
Si Eala ang kauna-unahang Pinay na nakapasok sa semis sa isang Grand Slam event kung saan natumbasan niya ang narating ni Filipino tennis great Felix Barrientos na umusad sa semifinals ng Wimbledon noong 1985.