Bumaba ang world rankings ng Pinoy tennis player na si Alex Eala sa Women’s Tennis Association o WTA.
Iyan ay bago pa man ang kanyang muling pagsabak sa Juniors ng US open sa New York sa Setyembre 6 hanggang 11, 2021.
Bumaba si Eala sa number 513 batay iyan sa updated list ng wta matapos ang careers-best placing na number 505.
Kabilang sa sinasabing dahilan nito ay ang halos walang events sa women’s pro circuit.
Sa kabila nito, number two naman ang Pinay sa US open girls’ singles.—sa panulat ni Rex Espiritu