Pasok na sa finals ng JA Milan tournament sa Italy ang No. 1 seed Alex Eala ng Pilipinas at ang kanyang katambal na si Madison Sieg ng Estados Unidos.
Ito’y makaraang pataubin ng top-seeded Filipino-American tandem sina No. 5 seeds Kira Pavlova at Diana Shnaider ng Russia sa kanilang bakbakan sa semifinals.
Makakasagupa nina Eala at Sieg sa finals ang mga pambato ng Croatia at Belgium.