Nanawagan sa publiko ang Actress-TV Host-Vlogger na si Alex Gonzaga na itigil na ang bangayan bunsod ng politika sa gitna eleksyon sa bansa.
Ayon sa Aktres, walang magandang maidudulot sa isang tao ang pakikipag-away kaya’t tapusin at kalimutan na ang pakikipagtalo.
Sinabi ni Alex na lahat tayo ay magkababayan at iisa lang ang nais sa bansa.
Iginiit pa ng aktres na tigilan na ang pakikipagdebate sa kapwa at tanggapin nalang ang resulta sa Halalan.