Inihayag ni Quezon City Representative Alfred Vargas na siya ay nagpositibo sa COVID-19.
Ayon kay Vargas, siya ay asymptomatic at under isolation.
Hindi naman binanggit ni Vargas kung kanino o sino ang taong kaniyang mga nakasalamuha.
Samantala, patuloy ang trabaho ni Vargas habang naka-quarantine upang matiyak na patuloy ang mga serbisyo sa kanyang mga nasasakupan. —sa panulat ni Kim Gomez