Nagtalaga na ng bagong Chairman ng Civil Service Commission (CSC) ang Pangulong Benigno Aquino III.
Itinalaga ng Pangulo si Alicia dela Rosa-Bala kapalit ng nagretirong si dating CSC Chairman Francisco Duque.
Mayroong fixed term ang CSC kaya’t magtatapos ang termino ni Bala sa Pebrero 2, 2022.
Sa kasalukuyan ay Deputy Secretary General ng Association of Southeast Asian Nations si Bala.
Nagsilbi rin itong Undersecretary ng DSWD o Department of Social Worker and Development at isa nang CESO o Career Executive Service Officer mula pa noong 1999.
By Len Aguirre | Aileen Taliping (Patrol 23)