Pinag-aaralan na ngayon ng Bureau of Immigration ang pagpapatupad ng Alien Amnesty Program para sa halos kalahating milyong dayuhan na iligal na naninirahan sa Pilipinas o di kaya nama’y mga walang kaukulang dokumento.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, hindi nila aarestuhin o ikukulong ang mga undocumented foreigners sa bansa sa halip, bibigyan sila ng pagkakataon na maayos ang kanilang mga papeles.
Binigyang diin ni Morente, milyun-milyong Piso ang nalulugi sa pamahalaan dahil sa pagtatayo ng negosyo ng mga illegal aliens dahil sa hindi naman din ito nagbabayad ng karampatang buwis.
Nakasaad sa batas na may multang hindi bababa sa 25000 Piso kada taon ang dapat bayaran ng mga overstaying na mga dayuhan sa bansa.
Batay sa tala ng immigration, pinakamarami sa mga overstaying na foreigners sa bansa ay mga Tsino, Indian at Korean nationals.
By: Jaymark Dagala / Aya Yupangco