Nagbabala ang North Korea sa mga mamamayan nito na manatili sa loob ng bahay dahil maaaring may dalang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) ang yellow dust storm o dilaw na alikabok mula China na kapanahunan doon ngayon.
Batay sa pahayagan ng North Korea ,dapat na iwasan ang paglabas ng bahay at patuloy na sumunod sa health protocols gaya ng pagususot ng face mask.
Ayon naman sa state-run KRT television ng North Korea ang dilaw at pinong alikabok ay maaaring may mapanganib na substance gaya ng metals at pathogenic microorganisms at kasama na ang mga virus.
Matatandaang hanggang ngayon ay zero-confirmed case pa rin ang North Korea ,subalit duda naman ang health expert sa claim na ito—sa panulat ni Agustina Nolasco