Naglabas ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) ng mga alituntunin sa muling pagbubukas ng Dolomite Beach ngayong araw.
Sinabi ni DENR Environmental Law Enforcement and Protection Service (ELEPS) Director at Manila Baywalk Dolomite Beach Ground Commander Reuel Sorilla, tanging ang mga bakunadong indibidwal lamang ang papayagang makapasok sa tabing dagat.
Ito’y alinsunod aniya sa standards ng Inter Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Dagdag ni Sorilla, hindi naman papayagang makapasok ang mga batang may edad 11 pababa.
Ipinabatid pa ng DENR, ang mga online registered at walk in visitor ay kailangan may dalang vaccination cards at dapat sundin ang mga ipinatutupad na health and safety protocols.