Pinakulay ng iba’t ibang personalidad ang idinaos sa Aliw Awards 2022 sa Manila Hotel, kagabi.
Nagdagdag saya sa nasabing event ang DWIZ anchor at Miss World first runner-up na si Evangeline Pascual.
Kabilang sa mga dumalo sa Awards Night 2022 sina; 2022 Entertainer of the Year Gerald Santos, Kea Chan, Jade Riccio, Nina Campos, Kathy Hipolito Mas, Carla Guevara Laforteza, Shiela Valderama Martinez, Jon Joven Uy at Occidental Mindoro Panda ng Gigabyte mula sa Lubang Island.
Mula nang gawaran ng Aliw Awards Foundation ang mga live entertainer, nagsikap ang foundation na magkaroon ng mga entertainment number sa naturang parangal.
Nagsilbing direktor naman sa live presentation si Jose Maria Hillario habang ang TV coverage ay sa ilalim ni Joey Nombres ng Aliw Trustee.
Ang Aliw Awards Foundation ay pinamumunuan ni Founding President Alice Reyes kasama ang mga officers at trustees na sina; Aristeo Garcia, First Vice President Brian Lu, Second Vice President Tess Tan, Secretary Francia Conrado, Treasurers Joey Nombres at Dennis Aguilar, PRO Jose Dadulla Junior, Auditor Rema Manzano, Ex-Officio Trustee and Trustees na sina Ofelia Cajigal, Aisha Reyes, Birdie Reyes the Third at Jory Reyes.
Inihandog ng Aliw Awards Foundation Incorporated sa pakikipagtulungan ng Lueur Lauren International Corporation at sinuportahan ng Greenfields Development Corporation, PAGCOR, San Miguel Corporation, Pamahalaang Lungsod ng Quezon sa ilalim ni Mayor Joy Belmonte at mga ahensya. —sa panulat ni Jenn Patrolla