Isang nang ganap na Kapamilya ang aktor na si Aljur Abrenica.
Ito ay ilang linggo matapos maispatan ang aktor sa compound ng ABS-CBN.
Batay sa ulat, muling bumisita si Aljur sa Kapamilya Network noong Lunes, Hulyo 31 at nakipagpulong sa ilang matataas ng opisyal ng ABS-CBN tulad nila Direk Laurenti Dyogi, Mr. Deo Endrinal at Ms. Cory Vidanes.
Sa nasabing pagkikita ay nailatag na rin umano ng ilang proyekto para kay Aljur at magsisimula na rin itong makita sa ilang programa sa ABS-CBN.
Si Aljur ay unang nakilala sa GMA Network matapos manalo sa Starstruck noong 2006.