Bukas si Caloocan City Mayor Oscar Malapitan sa posibilidad na mapalawig pa ang umiiral na ECQ sa Metro Manila.
Ayon kay Malapitan, suportado ng city government ang anumang mga panuntunang ipalalabas sakaling ma-extend ang ECQ sa Kalakhang Maynila.
Marami pa naman aniyang araw para i-monitor ang trend ng bilang ng COVID-19 sa NCR.
Inamin ni malapitan na mahigit pa sa doble ang pagsirit ng kaso ng COVID-19 sa lungsod kung saan naitatala ang 70 hanggang 100 bagong kaso araw araw mula sa 30 lamang noong nakalipas na buwan.
Subalit nasa 50% lamang ng hospital beds sa kanilang lungsod ang okupado.